I sincerely welcome everyone to the Lyceum Alabang Website! This is your online access to one of the premiere colleges in the South National Capital Region... [Read More]
1st Semester, School Year 2012-2013
June 18 Opening of Classes
June 18-19 Orientation
July 6 SSC Elections
Tunay na sa bawat Pagdiriwang hindi mawawalan ng problema, hindi magiging maayos kung hindi magtutulong-tulong ang bawat isa! Dito sa ibabaw ng daigdig ay walang perpekto kundi ang pangalang Perpekto at Perpekta. Pero ang pinakamahalaga sa bawat gawaing itinalaga sa atin nararapat na buong puso nating gawin at sundin ng walang pag-aagam-agam. Sapagkat sabi sa salita ng Dios sa bawat ipinapagawa sa atin ng ating mga Pinuno ay sundin natin at ituring natin na ang Dios ang ating pinaglilingkuran sapagkat bawat ginagawa natin ay kanyang natutunghayan.
Ang nakaraang Pagdiriwang ay tunay na isang napakalaking hamon muli sa kakayahan ng bawat isa sa amin bilang isang kawani ng aming Paaralan. Ang bawat isa ay puno ng kaba, tensyon, pagod at iba pang damdamin subalit ito ay hindi iniinda sapagkat ang nais ng bawat isa ay maging maayos at makabuluhan ang araw ng Pagdiriwang. Bagama’t wala ang aming Pangulo/Ceo na si Dr. Danilo V. Ayap ay lubhang nagtulong-tulong ang bawat isa. Bagama’t may mga gusot na kinasuungan ito”y hindi naging hadlang sa matagumpay na pagdaraos ng Pagdiriwang.
Noong ika-27 ng Agosto ay nagkaroon ng Iba’t ibang Patimpalak sa Sabayang Pagbigkas, biglaang Pagguhit, biglaang Paggawa ng Islogan, Paglikha ng sariling Komposisyon-Tula at Awit.
Noong Ika-28 ng Agosto naman ay idinaos ang iba’t ibang patimpalak sa Balagtasan, tagisan ng Talino, Katutubong Sayaw at ang pinakatampok ay ang Mutya ng Wika. Bawat patimpalak ay nilahukan ng bawat mag-aaral sa iba’t ibang Departamento. Ito ay dahil na rin sa pagtutulong-tulong ng lahat.
Nais naming magpasalamat sa lahat ng naging katuwang namin upang maidaos ng matiwasay ang pagdiriwang na ito.
Unang-una sa lahat ay sa ating Dakilang Dios sa kanyang walang hanggang paggabay, pagpatnubay, sa pagbibigay ng maaliwalas na panahon na punung-puno ng biyaya at Karunungang nagmumula sa Kaniya.
Sa ating minamahal na Pangulo/Ceo na si Dr. Danilo V. Ayap sa kanyang walang sawang Pagtitiwala sa amin upang Pamahalaan ang Pagdiriwang na ito sa bawat taon na dumarating. Sa mga pinasyal, ispiritwal at moral na suporta.
Sa Butihing Unang Ginang at Maybahay ng ating pangulo na si Gng. Norma M. Ayap sa kanyang buong pusong pagtugon at pagpapaunlak sa aming kahilingan na maging isang Lupon ng Inampalan sa ating Patimpalak at sa ipinadama at ipinakitang pagsuporta sa nasabing Pagdiriwang.
Sa naging Panauhing Tagapagsalita na si Dr. Francisca A. Pagkalinawan sa mahinusay na pagbabahagi ng kanyang Karunungan sa ating lahat.
Sa ating Direktor sa Akademikong Pakikipag-ugnayan na Si Dr. Marnito C. Munoz at ang Dekano sa Pangkalahatang Edukasyon na si Dr. Nazario P. Angeles na nanatili sa aming tabi at talagang buong pusong sumuporta sa kabila ng lahat.
Sa Pangalawang Pangulo sa tanggapan ng Tesda na si G. Romeo E. Umali sa kanyang pagsuporta sa gawaing ito.
Sa lahat ng mga Lupon ng Inampalan sa Iba’t ibang Patimpalak, sa mga nanguna sa Pag-awit sa bahagi ng Doksolohiya at Pambansang Awit at sa mga Guro ng Palatuntunan sa dalawang araw na nakalipas.
Sa Mga Dekano at Koordineytor ng iba’t ibang Departamento na halos hindi na namin maiisa-isa. Sa bawat tanggapan tulad ng tanggapan ng Akawnting sa pangunguna ni Bb. Hazel Grace M. Ayap, Sa tanggapan ng Pangulo, Sa Tanggapan ng Tagalista (Registrar Office), sa tanggapan ng Administrasyon, sa “Bookstore” sa tanggapan ng OSA, sa laboratoryo ng Kompyuter sa pangunguna ng ating Pangalawang pangulo na si G. Fritz Gerard M. Ayap, sa tanggapan ng Silid-Aklatan sa tanggapan ng ROTC, Sa tanggapan ng Munisipyo sa kanilang pagpapaunlak na pahiramin ng mga “Tent” at upuan, Sa Tanggapan ng TESDA sa gusaling “NAV’S” at Elizabeth at sa lahat ng Tanggapan.
Sa mga Kaguruan, Kawani, departamento ng GSD, sa kantina, sa mga Guwardiya at mga mag-aaral sa kanilang walang humpay na pagsuporta, pakikilahok at pakikiisa.
Sa lahat ng Tagapanguna sa Bawat Gawain na buong pusong ginampanan ang gawaing napaatang sa kanila.
Sa mga Nagbigay ng tanging bilang upang maghatid ng kasiyahan sa mga tagapanood.
Sa mga Opisyales ng Samahang Filipino (KATHA) sa kanilang walang sawang pagsunod sa aming tinuran para sa ikagaganda ng Palatuntunan.
Hindi man po namin maititik isa-isa ang inyong pangalan sa kapirasong papel na ito batid ng Dios ang inyong inilagak na panahon para rito. Ito’y mananatiling nakatatak sa aming puso.
Maraming-Maraming salamat po sa Inyong Lahat sa katagumpayan ng Pagdiriwang na ito! Pagpalain po tayong lahat ng ating Dakilang Dios!